Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva Best Player: Reyes, Tropang Giga ga-buhok sa korona

0 108

Game 5 bukas: (DHVSU)

6 pm – Magnolia vs TNT

(Tropang Giga lead series 3-1)

Kumalas sa second quarter ang TNT para itakbo ang 106-89 panalo kontra Magnolia sa Game 4 ng PBA Philippine Cup Finals sa Don Honorio Ventura State University gym Miyerkoles ng gabi.

Ibinuhos lahat ni Ryan Reyes ang 10 points niya sa period para ikampay ang 33-15 blitz ng Tropang Giga tungo sa 57-39 lead sa break.

SM food to go Banner Ad

Pinabuka pa ng TNT ang bentahe sa 68-43 sa third at hindi na nakarekober ang Pambansang Manok Hotshots.

Abante sa race-to-four 3-1, puwede nang itaas ng Tropa ang unang all-Filipino crown sapul noong 2012-13 sa Game 5 bukas sa Bacolor venue rin.

Bago ang tipoff, tinanggap ni forward Calvin Abueva kay commissioner Willie Marcial ang Davco-PBA Best Player of the Conference award at P50,000. Sa kanyang unang torneo sa Hotshots, itinaas ng The Beast ang pangalawang BPC honors pagkatapos noong 2016 Commissioner’s Cup habang nasa Alaska pa.

Muling giniyahan ng 26 points ni Mikee Williams mula sa 6 for 11 shooting sa 3s ang TNT. May 7 assists kontra 6 turnovers ang rookie na runner-up sa botohan ng BPC.

Nag-ambag si Jayson Castro ng 12 points, may 10 din si Dave Marcelo.

Tumapos ng 28 points si Abueva, may 17 points at 10 rebounds si Ian Sangalang sa Magnolia. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.