Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva bida ng Nov. 16-22

0 159

SMART Clark Giga City – May dahilan kaya siya ang ‘The Beast’ ng Philippine Basketball Association (PBA).

Nang suspindihin ng liga ng 16 na buwan, matinding nagbalik si Calvin Abueva nang maghanap ang Phoenix Super LPG ng bayani nang magka-ankle injury si top gunner Matthew Wright sa opener ng 45th PBA 2020 Philippine Cup semifinals.

Tumugon ang pride ng Angeles City, Pampanga sa tawag at nagdeliber ng double-double sa paggabay sa Fuel Masters sa pagsungaw na sa pinakaaasam na finals dahil sa 2-1 series lead ng team niya sa best-of-five duel kontra TNT.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Naroon lagi si Abueva nang makadalawang sunod na ragasa ang Fuel Masters laban sa Tropang Giga sa Games 2, 3, nag-average ng 22.0 points sa 55% clip, kabilang ang impresibong 63% shooting sa three-point range , sahog pa ang 14.5 rebounds, 5.0 assists, at 3.0 steals.

Ang all-around numbers ang naglagak sa kanya bilang unanimous choice na Cignal TV– PBA Press Corps Player of the Week para sa November 16-22.

“Basta ako, step-up lang. Binibigay ko lahat, energy at effort. Pag nandiyan yung effort, kaya mo ibigay lahat para sa team,” giit ni Abueva. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.