Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva binalato ni Mitra sa PBA

0 296

Hindi na makikialam ang Games and Amusements Board (GAB) sa ipinapatupad ng Philippine Basketball Association (PBA) na mga kautusan at requirements kay suspended player Calvin Abueva ng Phoenix Super LPG.

Ayon kay GAB Chairman Abraham Kahlil Mitra, kahit ang tanggapan niya ang professional sports regulating body sa bansa, ibinibigay na nila ang karapatan sa pro league para sa pagdisiplina sa mga manlalaro at koponan.

“We don’t want to over regulate,” ani Mitra kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) webcast forum na mga hatid ngan Miguel Corporation, Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor), Smart at Upstream Media.

“Ayaw namin na pangunahan ang mga opisyal na siyang mas nakakaalam sa direksyon ng kanilang liga. Doon na lang kami papasok once we are or the agency has to finally put its hands on the matter,” hirit ng opisyal.

Dinagdag ni Mitra na hindi na siya nakikipag-usap sa isyu kay PBA Commissioner Willie Marcial dahil alam naman nito ang ipinapagawa ng liga para maipalaganap ang disiplina at proteksiyon din ng bawat player.

Pinagmulta ng P70,000 at indefinite suspension ng PBA noong Hunyo 2019 ang 32-year-old, 6-foot-2 forward sa magkahiwalay na insidente sa court.

Leave A Reply

Your email address will not be published.