Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva, Chua nag-areglo

0 69

Maayos na ang lahat para kina San Miguel Corp. sports director Alfrancis Chua at Magnolia Hotshots newly acquired player Calvin Abueva.

Na-trade mula Phoenix Super LPG ang ‘The Beast ‘at first round pick (10th overall) kapalit ni Chris Banchero, first round choice (sixth overall) at second-round (18th overall) selection ng Pambanswang Manok.

Opisyal na winelcome ni Chua ang 33-anyos, may 6-3 taas na forward sa SMC head office sa Ortigas, Mandaluyong nitong Lunes.

Nagkaayos na sa pagtatagpo ng malapitan ang dalawa makaraang magkagalit nang naglalaro pa para sa Alaska Milk si Abueva sa kaagahan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sumenyas noon ng nganga ang Gin Kings team manager na siya ring governor ngayon sa bench nila makaraang magtungo sa kanilang side ang player na nakuha ang sixth foul sa 2014 PBA Philippine Cup quarterfinals.

Tugon iyon ng opisyal sa mga Alaska fan na sumenyas nang pagkain o pagsubo sa Ginebra kung makakasilat ang Aces, pero naiuwi ng crowd darlings ang 108-95 win para pumalaot sa semifinals.

Sumalang na rin nitong Martes sa unang practice si Abueva para sa Magnolia. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.