Abante Tonite Interactive

Abueva ‘di maawat sa ‘ligang labas’

1,430

Talaga yatang nagpapasaway na at hinahamon pa ang mga kinauukulan ng suspendidong Philippine Basketball Association player Calvin Abueva ng Phoenix Pulse dahil naispatan na namang naglaro nitong Linggo nang gabi sa isang ‘ligang labas’.

Sa FB post ng isang netizen na si Theena Bautista, makikita sa picture si ‘The Beast’ sa championship game ng Brgy. San Isidro sa Montalban (Rodriguez), Rizal. Sa liga ring ito naglaro si Abueva nang eliminations pa lang at umano’y binayaran ng P90,000.

“My son, Johnnell Cas de Vera with PBA player, Calvin Abueva. Championship match of Inter brgy tournament in Montalban Rizal,” saad sa FB account ng netizen kung saan sa ilalim ay nandun ang larawan ng kontrobersyal ngayong basketbolista.

Nasa ilalim pa rin ng indefinite suspension si Abueva dahil sa clothesline kay TNT import Terrence Jones at pambabastos sa dyowa ni Blackwater rookie Bobby Ray Parks, Jr.

Nang maiulat na nagligang labas si Abueva Montalban sa nakaraang, nagpasabi na rin ang PBA team niya na paparusahan siya.

Binaalaan na rin si Abueva ng Games and Amusements Board na aalisan ng pro license dahil sa halip na gumawa ng tamang hakbang upang mapatawad ng mga kinauukulan ay lalo pang nagpapasaway, kabilang ang isyu ng pagmaltrato sa asawang si Sam at mga anak. (Aivan Denzel U. Episcope)