Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva didribol din sa Japan

0 408

MAY bagong pasabog si Calvin ‘The Beast’ Abueva sa kanyang social media account.

Ito’y matapos siyang mag-story sa Instagram ng isang mensahe na may alok umano sa kanyang offer sa Japan B.League.

“Good am Calvin pls call me. May offer sa Japan B League,” ayon sa text na binahagi ni Abueva.

Kung sakaling totoo ito at tanggapin ni ‘The Beast’ siya ang magiging ikalawang Pinoy import sa nasabing liga matapos sungkitin ng San-En Neophoenix ang dating ‘King Eagle’ na si Thirdy Ravena.

Nnanatili pa ring suspendido si Calvin sa PBA dahil may isa pa umanong requirement bago siya muling payagang makatungtong sa local league.

Matatandaan na sinuspInde si Abueva noong 2019 matapos nitong i-clothesline ang import ng TNT KaTropa na si Terrence Jones.

Nagkaroon din ito ng sagutan sa girlfriend ni Bobby Ray Parks Jr. na si Maika Rivera. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.