Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva hihirit sa Gilas

0 293

BUKOD sa inaasam na PBA comeback, gusto na ring isagad ni PBA veteran Calvin Abueva ang pagkakataong makapaglarong muli sa Gilas Pilipinas.

Ayon kay `The Beast’ kahit anong mangyari ay target din nitong sumabak sa Gilas.

“Iniisip ko sa pagbalik ko na makapaglaro ako nang maayos at mapasama ako uli sa Gilas (Pilipinas) kahit ano ang nangyari,” pahayag ni Calvin sa panayam ng ‘Power&Play’.

Dagdag pa nito, nasa puso pa rin niya ang makapaglaro upang mabitbit ang bandila ng bansa.

“Nandoon pa rin ang puso ko na makasama sa national team,” dagdag pa nito.

Magugunitang nasangkot sa historic ‘basket-brawl’ si Phoenix forward Calvin noong 2019 FIBA World Cup Asian qualification na ginanap mismo dito sa bansa.

Mula noon ay hindi na rin napabilang si 32-anyos cager sa ‘Pinas-ball club. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.