Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva itotono sa Magnolia

0 256

Para hindi mawala ang momentum ng players sa ensayo, naghahanap ang Magnolia Hotshots ng ibang practice venue na masosolo.

Sa loob din ng Batangas province ang Pambansang Manok, hihiwalay lang sa iba na nagpapraktis sa tatlong venue sa Batangas City – Batangas Coliseum, Batangas State University at Lyceum-Batangas.

Kuntento si coach Chito Victolero sa nakikita sa mga bagong dating sa Hotshots na sina Calvin Abueva, Jerrick Ahanmisi, RR de Leon, Loren Brill at Alvin Capobres.

Konting banat ng muscles, ituturo na sa mga ito ang sistema ng team.

Pero mas maganda kung solo nila ang venue na puwede ring tigilan.

“Five or four teams kami na naghahati sa gym, then merong idisinfection pa in-between sessions,” paliwanag ng coach. “Naghahanap (ng alternate venue) and hopefully, sana, makakita. Pero habang wala pa, Batangas City muna kami.”

Hirap aniya ang players, pagkatapos ng practice ay bibiyahe pa pauwi.

“This coming week baka ganu’n din gawin namin. Back-to-back (practice hanggang Martes), then we will have our swab (test) on Wednesday. Then Thursday Zoom training muna habang waiting for swab result, then Friday resume kami up to Sunday,” panapos na litany ni Victolero. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.