Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva, Hotshots ibabaon pa Bolts

0 84

Semis Game 3 ngayon: (DHVSU, Bacolor)

3 pm – Meralco vs Magnolia

6 pm – SMB vs TNT

Magnolia leads series 2-0

SMB-TNT series tied 1-1

Pagkatapos ng unang dalawang laro, bugbog ang Meralco sa Magnolia sa kanilang PBA Philippine Cup semifinals series sa Bacolor, Pampanga.

Huling sumadsad ang Bolts 92-78 noong Miyerkoles at nalubog sa 0-2.

SM food to go Banner Ad

Mahirap mabaon sa 0-3, babalik ng Don Honorio Ventura State University gym ngayon para kubrahin ang panalo at siguruhing may Game 5 pa.

Hindi pa sigurado kung makakalaro si Raymond Almazan na inabot ng twisted left ankle noong nakaraan.

Parehong sa third quarter lumabas sina Almazan at kapwa-big man na si Cliff Hodge.

Nabayagan si Hodge habang nakikipaggitgitan kay Calvin Abueva sa ilalim ng basket. Papasok sa final minute ng period, nagbuhol muli ang dalawa, bumagsak at tumama ang paa ni Hodge sa mukha ni Abueva.

Napituhan ng flagrant foul 1 si Hodge, kasama ang naunang technical ay nauna na sa showers na may 3 points, 3 rebounds at 4 assists.

Ang Magnolia, maagang nagpahinga pagkatapos ng laro, nanood ng tapes bago nag-ensayo kahapon.

Nakapag-ipon ng lakas ang Hotshots para muling sumabak sa pisikalang laro.

“Focus muna kami sa tomorrow’s practice,” ani Paul Lee matapos tumahi ng game-high 28 points sa Game 2. “Kumbaga, ‘yung nag-eensayo kami, ‘yung preparation namin sobrang vital going to the game. One step at a time muna.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.