Abante Tonite Interactive

Abueva ipinakilala na ni Vice Ganda sa ina

By
0 452

Nagkita na ang ina ni Vice Ganda at ang matalik na kaibigan ng komedyante na si Calvin Abueva.

Sa panayam sa “Magandang Buhay” ng ABS-CBN ni Rosario Viceral, ang mother dear ni Vice, sinabi nito na naipakilala na sa kanya ng anak ang PBA player.

Nasa Boracay si Vice kasama ang nanay niya, na paunang nang nilinaw ng ‘Unkabogable’ star na nagkataon lang na nagkita sila ng Phoenix Fuel Masters player at hindi plinano.

Kumakain umano sila ng tanghalian ng biglang sinabi ni Vice na may ipakikilala ito sa kanila.

At doon na nga dumating si Calvin, na sinabi ng ina ng ko­medyante na hindi na niya masyado inusisa ang dalawa sa kung ang real score sa pagitan nila.

“Kasi hindi sila nag-o-open up sa akin, so ako naman, nasa edad naman na sila… parang wala na akong karapatan pa na mag-usi-usisa pa. So, whatever comes,” saad ni nanay Rosario.

“I welcome them. I accept them,” panapos niya.

Madalas makitang magkasama sina Vice at Calvin sa kahit anong okasyon, ang comedian ay nanonood ng mga laro ni ‘The Beast’ habang ang manlalaro naman ay naiispatang kasama si Vice sa mga bar.