Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva itatali

0 329

Gumawa ng paraan si Phoenix Super LPG coach Louie Alas na hindi madedehado ang Fuel Masters kay Calvin Abueva kahit nakabitin pa ang pagbabalik ng do-it-all forward sa PBA.

Una rito, kailangang manatili ang The Beast sa Fuel Masters.

“Kinakausap ko na ang management para i-renew ang contract ni Calvin o kaya i-extend man lang muna tulad ng directive ng PBA,” ani Alas kamakalawa. “Mahirap makakuha ng player na katulad ng kalibre niya kaya ganyang meron ka nang isang Abueva, ayaw mo namang mawala siya sa free agency.”

Noong July 11, nagkasundo ang PBA Board na bigyan ng automatic contract extensions ang players na expired o mag-e-expire na ang deals hanggang matapos ang Philippine Cup sa January.

Nasa 49 players ang may expiring deals hanggang November. Ang contract ni Abueva sa Phoenix, matatapos sa Aug. 31. Ito pa ang dulo ng kontrata niya sa Alaska na sinalo ng Fuel Masters.

Matatapos na rin ang termino sa Phoenix nina Jason Perkins, Dave Marcelo, Jake Pascual at RR Garcia at gusto ni Alas na manatili sa team ang mga ito.

Hindi pa nga lang inaalis ang indefinite suspension ni Abueva na ipinataw ni commissioner Willie Marcial noong Commissioner’s Cup ng nakaraang taon. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.