Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva itatambal sa malaki

0 70

Nakuha na si Calvin Abueva, sa draft naman maghahagilap ang Magnolia Hotshots ng pampuno sa kakulangan pa nila.

“We got the No. 10 pick of Phoenix and we will look for other bigs in the draft,” ani team governor Rene Pardo nitong Huwebes.

Mainam na ang nakuha nila sa The Beast na subok na ang kalibre.

Sa walong taon sa PBA, marami na aniyang napatunayan si Calvin.

Para makuha si Abueva mula sa Phoenix, pinalit ng Hotshots si Chris Banchero. Nag-swap din ng first-round picks ang dalawa – No. 6 ng Magnolia para sa No. 10 ng Fuel Masters. Isinama sa deal ang No. 18 pick ng Hotshots.

Tamang-tama ang laro ni Abueva sa run-and-gun type ng Hotshots sa ilalim ni coach Chito Victolero.

Mapapakinabangan din ang matinding pressure defense ng do-it-all forward.(Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.