Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva kinakarir pagiging panadero

0 278

Bukod sa subsob si suspended Philippine Basketball Association (PBA) star Calvin Abueva sa bagong bukas niyang restaurant, pagbi-bake pa ang bagong kina-career.

Pinasilip ng misis ng Phoenix Super LPG na si Salome Alejandra ‘Sam’ sa kanyang Instagram story kahapon na hindi lang mahusay sa pagbabasketbol at pamamahala sa negosyo ang basketbolista kundi hands on din sa paghulma cake para sa kanila nag-birthday na anak nitong Martes.

“Happy birthday bebe pinaghirapan namin un cake mo we love you so much Lamarcus,” caption sa IG story.

Makikita rin sa ilang naunang IG story na sinorpresa nila ito at napa-TikTok pa ang mag-ama.

Sa ngayon ay sa pamilya at negosyo muna nakapokus si Calvin habang suspendido pa sa paglalaro sa liga. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.