Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva lalarong muli

0 77

Mga laro ngayon (AUF gym)

4 pm – Phoenix vs. NLEX

6:45 pm – NorthPort vs. TNT

Clark Smart Giga City – Dumating na ang good news na matagal nang hinihintay ng Phoenix Super LPG: Inalis na ng PBA ang indefinite suspension ni Calvin Abueva.

Makakapaglaro na ang The Beast laban sa NLEX sa first game mamaya sa hometown niya sa Angeles City, ang Smart 5G-poweres AUF gym.

Biyernes pa lang nadesisyunan na ni commissioner Willie Marcial ang lifting, Sabado ng umaga ipinarating kina Fuel Masters team manager Paolo Bugia, coach Topex Robinson at Abueva. Isinapubliko ang desisyon kahapon.

Mahigpit ang guidelines sa lifting ng suspension na ipinataw June ng nakaraang taon. Kailangan ang aktibong partisipasyon ni Calvin sa counseling programs at mas matinding parusa kung masasangkot muli sa hindi kanais-nais na bagay sa loob o sa labas ng court.

Kahapon ay todo ang ngiti ni Calvin habang nakikipag-ensayo sa teammates.

Habang wala si Calvin ay 3-2 ang Fuel Masters sa bubble. Pakakawalan na ang The Beast, magkakaalaman kung hanggang saan ang bangis ng dating NCAA MVP mula sa 11 buwan mula sa huling laro sa PBA hardcourt. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.