Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva, Lee uunahan Bolts

0 103

Semis Game 1 ngayon: (DHVSU, Bacolor)
2:00pm — Meralco vs Magnolia
4:35pm – – San Miguel vs TNT

Matagal na panahon na rin na hindi nakakatuntong sa kampeonatio si Calvin Abueva at Paul Lee kaya naman hangad ng dalawa na makatuntong sa matira-matibay na labanan na nagpapatibay ng pagnanais nila na makasampa sa isa sa dalawang reserbadong silya ng 2021 PBA Philippine Cup finals.

Huling kampeonato ni Abueva ay noong 2013 pa sa Alaska Aces at halos siyam na taon na ang nakakaraan sa una nitong titulo sa liga sa kanyang unang taon pa lamang habang si Lee ay tinanghal na Finals MVP sa huli nitong pagsabak sa kampeonato noong 2016 Commisisoner’s Cup.

Nagtulong ang dalawa sa nakalipas nilang seryeu pang walisin ang nakatapat na Rain Or Shine na nagtulak dito upang umusad sa bst-of-seven na semifinals ng prestihiyosong All-Filipino Conference.

Optimistiko ang 33-anyos na forward na tuluyang pigilin ang matagal na nitong persona na pagkauhaw sa titulo sa pagtala ng 20 puntos at 19 reboundssa pagtatapos ng Magnolia sa serye kontra Elasto Painters sa 96-86 iskor.

Malaki din ang pag-asa ni Abueva sa dating Purefoods franchise na nasa harapan na nito ang pinakamalaki niitong tsansa na makapawagi muli ng kampeonato.

“Iba itong team na ito. Nakakakuha sila ng championship. May destiny ito. Kaya sabi ko kapag napunta ako rito, talagang grab ko lahat ng opportunity na puwede kong gawin dito,” sabi ng tinaguriang “The ‘Beast.’

Hindi nakatuntong ang Magnolia sa playoffs nakaraang season sa Philippine Cup bubble matapos itong mapatalsik sa quarterfinals ng Phoenix na kasama pa si Abueva.

Sa pagsasanib puwersa nito kina Ian Sangalang at Lee ay nakatutok ang Hotshots na mabawi ang inaasam na pinakaprestihiyosong korona sa liga na huling napanalunan ng koponan noong 2014.

Sasandigan naman ng Bolts ang nagbabalik na si Chris Newsome, Anjo Caram, Allein Malksi, Mac Belo, Bong Quinto at Reynel Hugnatan na makatuntong sa una din nitong kampeonato sa Philippine Cup. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.