Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva, Magnolia balik-ensayo

0 28

Isa ang Magnolia Pambansang Manok na nag-full practice na sa 12 team ng Philippine Basketball Association (PBA) sa labas ng NCR Plus.

Pinangunahan ng mga bagong saltang sina Calvin Abueva at rookie Jerrick Ahanmisi ang Hotshots sa ensayo sa Lyceum International Maritime Academy Gym sa Batangas City Huwebes.

Umaasa si coach Ercito ‘Chito’ Victolero na malaki ang maitutulong ng dalawa sa team lalo’t seventh placer lang inabot nila sa 45th PBA Philippine Cup 2020 sa Clark bubble noong December.

Nitong February 17 lang na-trade si ‘The Beast’ at 2021 first round pick ng Hotshots para kina Chris Banchero kasama ang 2021 first-second round picks ng Phoenix Super LPG.

Related Posts

Naudlot ang training ng mga mga ballclub nitong April sa Metro Manila nang ibalik sa enhanced community quarantine (ECQ) sanhi sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

First round choice si Ahanmisi ni Victolero sa 36th PBA Draft nitong March at patungo sa praktis pinalagda ng two-year deal sa kaagahan ng linggong ito.

Ilan sa key players naroon din sina Paul Lee, Ian Sangalang, Mark Barocca, Jio Jalalon at iba pa.

Hindi sa Batangas nag-scrimmages ang iba kundi sa Centennial Arena sa Laoag City gaya ng Meralco, TNT at NLEX. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.