Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva, Magnolia gutom sa korona

0 83

Finals Game 1 ngayon (DHVSU, Bacolor)
6 pm – Magnolia vs TNT

Parehong diyeta sa kampeonato ang TNT at Magnolia, magkakatalo na lang kung sino ang mas determinadong matighaw ang pagkagutom.

“Gutom na gutom sila (Tropang Giga). Six years na since the last championship ng franchise,” ani TNT coach Chot Reyes patungkol sa 2015 Commissioner’s Cup na huling itinaas ng flagship team ng MVP group.

Ang Hotshots, back-to-back seasons (2018-2019) na nakarating sa all-Filipino finals pero parehong nasilat sa San Miguel Beer.

“This is our third time na magta-try ulet. Sana, hopefully maka-get over kami sa hump,” pakli ni coach Chito Victolero sa pre-finals Zoom press conference Martes ng hapon.

Unahan sa Game 1 ng PBA Philippine Cup Finals sa Don Honorio Ventura State U gym sa Bacolor ngayong alas-6:00 nang gabi.

Idinagdag ng Hotshots si Calvin Abueva sa core nina Paul Lee, Ian Sangalang, Mark Barroca, Jio Jalalon at Rafi Reavis. May Jackson Corpuz, Aris Dionisio at Jerrick Ahanmisi pa sila.

Pagbalik ni Reyes bilang head coach, hinugot niya rin mula retirement si Kelly Williams para isahog kina Jayson Castro, Poy Erram, Troy Rosario, RR Pogoy. Dagdag pa si rookie Mikey Williams.

“What we have here are two teams trying to compete. So I think it’s going to come down to which team goes out and be better on a game-to-game basis.”

Sagot ni Victolero:

“Kaya magiging maganda series kasi all are motivated to end up as a champion. …. Promise lang, we’ll try to give our best every time we step on the court. Tingnan natin. We’re all ready.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.