Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva mahalaga 6 na nilaro sa Phoenix

0 103

Smart Clark Giga City – Nakaanim na laro lang si Calvin Abueva sa PBA Philippine Cup pero kita na agad ang impact niya sa Phoenix Super LPG.

Pagkatapos ng 11-game eliminations, No. 1 ang The Beast sa offensive rebounding, kumakalawit ng 3.83 boards bawat laro. Pumapangalawa ang teammate niyang si Matthew Wright (3.64).

No. 2 ang 10.67 rebounds per game ni Abueva sa likod ng 12 ni Christian Standhardinger ng NorthPort. Top 5 sa boards sina Arwind Santos (9.91) ng San Miguel, Jason Perkins (9.45) ng Fuel Masters, at Scottie Thompson (8.82) ng Ginebra.

Abueva rin ang nangunguna sa assists, naungusan ng kanyang 6.67 dimes per game ang 6.36 ni Thompson at 6 ni Wright.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaya lang, No. 3 sa turnovers si Abueva sa 3 per game, sa likod nina Mo Tautuaa (3.73) ng SMB at CJ Perez (3.27) ng Terrafirma.

No. 1 ang reigning Rookie of the Year na si Perez sa scoring department, nagsusumite ng 24.36 per game pero hindi naibiyahe sa next round ang Dyip.

Nakumpleto ang top 10 kina Wright (22.82 pts.), Ray-Ray Parks (20.1) ng TNT, Paul Lee (19.91) ng Magnolia, Standhardinger (19.9), Kiefer Ravena (19.36) ng NLEX, Perkins (19.09), Taututaa (18.91), RR Pogoy (18.82) ng TNT at Stanley Pringle (18.73) ng Ginebra.

No. 1 sa blocks si Justin Chua (1.73) ng Phoenix, sunod si Japeth Aguilar (1.45) ng Gins. Top 3 sa steals sina Chris Ross (2.27) ng SMB, Mark Barroca (2.27) ng Magnolia at Perez (2). (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.