Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva mahirap kalaban – Victolero

0 78

Hinahamig na ng Magnolia Pambansang Manok ang dibidendo ng pagdating ni Calvin Abueva sa team.

Dati ay sakit ng ulo ng mga kalaban, kasama na si Hotshots coach Chito Victolero, kung paano pipigilin ang The Beast.

Ngayon ay nasa side na niya ang dating problema.

“Mahirap kalaban si Calvin. Mas maganda na ‘yung kakampi mo siya kaysa kalaban,” ani Victolero. “Calvin adds toughness. ‘Yung sistema kasi namin bagay na bagay sa sa kanya.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa clincher ng PBA Philippine Cup quarterfinals, nambarako si Abueva ng 20 points, 19 rebounds sa 96-86 win laban sa Rain or Shine noong Sept. 30.

Balik ng semis ang Hotshots, si Abueva rin ang nagsindi sa fightback ng Magnolia kontra Meralco sa opener noong Linggo.

Sa mga pinakitang numero, nagkaisang binoto ng media na kumukober ng liga si Abueva bilang Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week, Sept. 29-Oct. 3.

Sa dalawang larong ‘yun, nag-average ng 16.5 points mula 52 percent shooting, 13 rebounds at tig-1 assist, steal at block ang second pick overall ng Alaska noong 2012.

Solido buong conference si Abueva, nangunguna pa sa Best Player of the Conference race. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.