Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva malaki pinagbago

0 91

Mismong si Philippine Basketball Association commissioner Willie Marcial ang pumuri sa malaking pinagbago ni PBA star Calvin Abueva sa kanyang pagbabalik sa nakalipas na 45th o 2020 season ng pro league.

Makalipas ang ang 16 na buwang suspensyon, pinabalik nitong October 27 sa basketball court ni Marcial at ng Games and Amusements Board ang 32-year-old, 6-foot-3 forward sa Philippine Cup bubble sa Angeles, Pampanga na natapos nitong December 9.

“Tuwang-tuwa ako sa ginawa ni Calvin,” lahad ni Marcial nitong Linggo sa Phoenix Super LPG stalwart na nasa ilalim ng pangangasiwa ni super agent-manager Danny Espiritu.

Related Posts

Nilatigo ng indefinite suspension at pinagmulta ng P70,000 si Abueva noong 2019 sa pananakit kay TNT import Terrence Jones at pagbatos sa dyowa ni Bobby Ray Parks Jr. na naglalaro pa dati sa Blackwater Elite.

“’Pag nagko-concentrate siya sa game, halos nagti-triple-double, nakaka-20 points and above at pag rebound double-digits,” punto ni Marcial. “Ang laking tuwa ko kay Calvin dahil ang laki ng in-improve niya.”

Tunay na nakaka-wow ang performances ni Abueva sa import-less o all-Pinoy conference dahil kabilang pa siya sa mga pinagpipilian para sa Best Player of the Conference award.

Kaya nito lang Dec. 22, binigyan siya ng ng three-year, P15M contract extension ng Fuel Masters. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.