Abante Tonite Interactive

Abueva malapit nang bumalik

497

Nalalapit na ang balik aksyon ni Phoenix Pulse forward Calvin Abueva nang bigyan ng go-signal ni PBA Commissioner Willie Marcial office mula nang mapatawan ng indefinite suspension at pagmultahin ng P70,000 nitong Hunyo.

Maaari na siyang mag-practice sa Fuel Masters upang makabalik sa dating porma at matulungan ang team niya sa season-ending PBA Governors Cup.

“Tumataba raw kasi s’ya, so pinayagan ko na,” ani Marcial sa panayam ng SPIN.ph Miyerkoles.

Walang eksaktong panahon para makabalik siya sa liga dahil may mga kailangan pa ang 31-anyos na basketball player na aregluhin at sunding patakaran upang ma-lift ang indefinite suspension niya.

Unang hakbang pa lang ito ni Calvin sa pagbabalik sa bilang pambawi sa mga kontrobersiyal na kinasangkutan lumabas gaya ng pambabastos sa dyowa ni Bobby Ray Parks ng Blackwater, pananakit kay TNT import Terrence Jones, at sa asawa niya, at ang paglalaro sa ligang labas. (Aivan Episcope)