Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva nagkargador

0 263

Nagmistulang kargador sa palengke si Philippine Basketball Association (PBA) star Calvin Abueva ng Phoenix LPG Superkalan nang walang kiyemeng pasanin ang kanilang gamit para sa itinayong negosyo ng kanyang misis.

Makikita sa Instagram story ng kanyang asawang si Salome Alejandra ‘Sam’ Abueva nitong Linggo kung paano binuhat ng veteran Fuel Masters forward ang mga gamit nila patungong kusina.

SM food to go Banner Ad

Bukod sa may pasan sa balikat, may bitbit pang malaking plastic bag ang 32-anyos na `The Beast’ na punung-puno at obvious na mabigat.

Habang dindi pa nakakabalik aksyon ang dating National Collegiate Athletic Association (NCAA) standout mula sa San Sebastian Stags, pokus muna siya sa kanyang restorang ‘Dampa ni The Beast’. Abangers na lang ang cager sapahintulot ni PBA commissioner Willie Marcial na makabalik-pro league. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.