Abante Tonite Interactive

Abueva naglaro sa ligang labas

448

Naispatan si ‘The Beast’ Calvin Abueva na naglaro para sa San Isidro sa Montalban (Rodriguez), Rizal kahit pa suspendido sa Philippine Basketball Association (PBA).

Viral nitong Lunes ang litrato ni Abueva na nakasuot pa ng jersey ng San Isidro na kinagulat ng lahat.

Hunyo nang patawan si Abueva ng suspension ng PBA na may kasama pang P70,000 fine.

Sinuspende si Abueva dahil sa mga insidenteng kinasangkutan laban kay TNT import Terrence Jones at sa girlfriend ni Blackwater rookie Bobby Ray Parks, Jr. na si Maika Rivera.

Wala pang pahayag si Abueva tungkol sa pagsali nito sa ligang labas. Pero malamang na mapahaba ang kaparusahan niya dahil sa kaganapang ito. (Janiel Abby Toralba)