Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva nauubos ang pera sa suspension

0 229

Sa oras na bumalik sa aksyon ang PBA, posibleng matapos na rin ang mahabang suspensyon para kay Calvin ‘The Beast’ Abueva.

Sa panayam sa One Sports, binahagi ng Phoenix LPG Superkalan , na natapos na niya ang lahat ng requirements na binigay ng liga para makabalik na siya sa paglalaro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Tapos na lahat, resulta na lang ang hinihintay. Hanggang ngayon yun ang hinihintay ko kung ano ang sasabihin ni Commissioner sa ginawa ko,” saad ni Abueva.

Inamin ni ‘The Beast’ na ilan sa mga pinagawa sa kanya ay ang drug test at psychological test kasunod ng kanyang abot na sa 14 months suspension buhat nang intensyonal na saktan ang TNT import na si Terrence Jones at makasagutan ang isang babae

Pinanapos ng cager, na nawala ang lahat ng kanyang ipon dahil sa suspensyon ng liga. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.