Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva PBA: Diyan o Japan

0 260

Puwersadong kunin na lang ni Calvin Abueva ang alok sa kanya na maglaro sa Japan kung mananatiling suspendido o hindi pa rin payagang makabalik sa Philippine Basketball Association (PBA) bagong matapos ang taong ito.

Aminado ang PBA star na kasalukuyang nakatali ang kanyang kinabukasan sa kontrata ng Phoenix Super LPG at mas nakatuon siya para sa unang propesyonal na liga sa Asya’t bansa. Pero isinasaalang-alang niya sa kabuhayan ng kanyang pamilya.

“Eh, syempre lagi mo uunahin yung kapakanan ng pamilya mo. ‘Pag talagang walang nangyari, baka consider ko rin ‘yun (Japan Professional Basketball League). Kasi hindi naman na tayo bumabata,” wika kahapon ng dating NCAA MVP mula sa San Sebastian Stags.

Isa pa sa posibilidad na paglipat ni Abueva ay ang nalalapit na pagkapaso ng kontrata niya sa Fuelmasters.

“Sa ngayon, hindi ko pa masyado nahaharap kasi may contract pa ko, saka kung ako masusunod gusto ko muna ayusin ‘yung sa PBA,” wakas na wika ng 2013 PBA Rookie of the Year awardee. “Yun naman talaga ang gusto natin.” (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.