Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva pumasok sa Clark

0 106

Present sa loob ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup eliminations bubble sa Clark Freeport , Angeles, Pampanga si Phoenix stalwart Calvin Abueva, Miyerkoles.

Sa kanyang Instagram story, mapapansin na nasa loob ng hotel room ng Quest Hotel ang ‘The Beast’ kasama ang isang team staff.

Martes nang makipagpulong si Abueva at Fuel Masters coach Michael Christopher ‘Topex’ Robinson kasama ang mga opisyales ng Games and Amusement Board para sa kanyang lisensya. Nag-post din si Abueva ng isang selfie na may caption na “Waiting the signal”. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.