Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva pumutok agad sa Magnolia

0 56

Mga laro ngayon: (Ynares Sports Arena)

2:00pm — SMB vs. Meralco

4:35pm — NLEX vs. Ginebra

7:00pm — Blackwater vs. Rain or Shine

Pinasiklaban ni Calvin Abueva ang dating team.

Nanalasa ang The Beast ng game-high 26 points – 19 dito sa second half – para ihatid ang Magnolia sa 80-73 panalo kontra Phoenix Sabado ng gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

May palamuti pang 10 rebounds si Abueva. Ang 21 ni Paul Lee na lang ang naka-double digits sa Hotshots.

“Nakabawi ako (sa Phoenix). Dinalawahan niya ako sa (Clark) bubble,” ani Hotshots coach Chito Victolero.

Abante sa 75-73 ang Hotshots sa split ni Mark Barroca 19 seconds pa, natawagan ng offensive si Matthew Wright sa madaliang bitaw sa arc.

SM food to go Banner Ad

Sinelyuhan ng free throws nina Abueva at Lee ang panalo.

“Una sa training, sakripisyo namin Manila to Batangas,” ani Abueva sa bunga ng kanilang tiyaga sa ensayo.

Hindi naglaro sa Fuel Masters ang kapalitan ni Abueva sa trade na si Chris Banchero.

May double-double ding 16 points, 10 boards ang galing Alaska na si Vic Manuel sa kanyang debut sa Phoenix.

Magarang inumpisahan ni coach Chot Reyes ang balik sa PBA nang ipagpag ng TNT ang makulit na Terrafirma 86-79 sa first game.

Mula sa 55-33 deficit sa third, tumutok sa 84-79 ang Dyip bago naubusan.

Nagsumite si TNT veteran Jayson Castro ng 17 points, 1 for 7 sa 3s at 6 of 7 sa free throws.

Tahimik ang debut ni Joshua Munzon. Nagkasya lang ang top pick ng Dyip sa 6 points mula 3 of 15 shooting, 3 rebounds, 1 assist at 2 turnovers sa 26 minutes. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.