Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva puro sa Best Player

0 102

Namumuro para sa Best Player of the Conference award ng 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup si Magnolia Pambansang Manok forward Calvin Abueva.

Nakapagtala ang beteranong basketbolista ng average na 34.2 statistical points sa pagsampa ng Hotshots sa Finals ng all-Pinoy. Kumamada siya ng 15.2 points, 10.0 rebounds, 2.8 assists, 1.0 steal, at 1.1 block shots average sa 19 games.

SM food to go Banner Ad

Karibal ng ‘The Beast’ sina NorthPort guard Robert Bolick Jr. na may 33.7 SPs kasunod si Magnolia big man Ian Sangalang na may 33.0 SPs.

Pumapang-apat sa listahan si TNT rookie Mikey Williams na may 32.0 SPs at nasa Top 5 ng BPC race si six-time MVP at San Miguel Beer stalwart June Mar Fajardo na mayroong 31.8 SPs. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.