Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva signal na lang hinihintay

0 79

Nagpapahiwatig na naman ng pagbabalik sa PBA si Calvin ‘The Beast’ Abueva.

Sa kanyang Instagram post nitong Martes, sinabi ng 32-year old baller na signal na lang ang kanyang inaabangan ngunit hindi tinukoy kung tungkol saan.

Pero sa naging press conference ng PBA, ipinahayag ni league commissioner Willie Marcial na hindi muna siya mangangako na mapasama si ‘The Beast’ sa PBA bubble dahil aniya, may kailangan pang tapusing requirement ang manlalaro.

May mga ugong-ugong na nalalapit na ang pagtanggal ng indefinite ban sa player Abueva, patunay dito ang pagkuha niya ng bagong playing license sa Games and Amusements Board. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.