Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva sikat sa kontrobersiya

0 77

Kung kontrobersiya sa loob at labas ng court ang pag-uusapan, isa sa agad mababanggit si Calvin Abueva.

June 2019 nang bagsakan ng indefinite suspension ang 32-year-old na Kapampangan cager dahil sa magkasunod na insidente sa court na kinasangkutan.

Una nang pakitaan niya ng lewd gesture ang girlfriend ni Ray-Ray Parks, sunod nang bigyan ng matinding clothesline si TNT import Terrence Jones.

Bukas na aklat din ang pribadong buhay ni Calvin.

Parang telenovela na sinubaybayan ng publiko ang sagutan nila ng asawang si Sam sa social media. Nagkaayos din ang magkabiyak.

Dumaan ang pandemic, kumalma ang The Beast.

Namigay siya ng ayuda sa homeless at frontliners. Siya ang nagluto, siya rin ang namahagi.

Pinayagan ng PBA si Abueva na pumasok sa Pampanga bubble pero hindi agad nakalaro.

Ibinalik ng GAB ang kanyang lisensiya, noong October ay tinapos na rin ng PBA ang indefinite suspension.

Nakalaro na si Calvin makalipas ang 16 months, natulungan pa ang Fuel Masters na maging No. 2 pagkatapos ng 11-game eliminations.

Kontrolado na ni Abueva ang emosyon sa court, ang dating The Beast ay naging Fantastic Beast.

Kandidato pa siya sa Sportsmanship Award bagama’t naungusan ni Scottie Thompson ng Barangay Ginebra San Miguel.

Binigyan si Calvin ng Phoenix ng panibagong three-year contract sa diskarte ni veteran players agent Danny Espiritu.

“Tuwang-tuwa ako sa ginawa ni Calvin. Makikita mo lahat, hindi na pisikal. Andu’n pa rin sa physicality pero hindi na nang-aasar,” obserbasyon ni commissioner Willie Marcial. “Laking tuwa ko, laki ng in-improve.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.