Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva tinapos lahat ang pinagawa ng PBA

0 136

Mga laro ngayon (AUF gym)

4 pm – Phoenix vs. Meralco

6:45 pm – Blackwater vs. NorthPort

Maayos na tinugunan ni Calvin Abueva ang requisites ng GAB para maibalik ang kanyang professional license paghahanda sa pagbabalik-PBA.

Nasa Clark bubble si Abueva, doon na isinagawa ang three-day seminar na ni-require ng Games and Amusements Board hinggil sa Code of Conduct of a Professional Player and Gender Sensitivity Issues.

Tapos na rin ang medical exams ng The Beast na doon na rin sa Clark Freeport and Special Economic Zone ginawa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“We are satisfied with the results,” balita ni Fuel Masters team manager Paolo Bugia.

Ang kuwestiyon na lang ay kung kailan aalisin ng PBA ang indefinite suspension na ipinataw ni commissioner Willie Marcial noong June ng nakaraang taon.

Babalatan ng Phoenix Super LPG ang kampanya sa restart ng Philippine Cup kontra Meralco sa first game mamayang 4:00 pm sa AUF gym.

Banggaan ang Blackwater at NorthPort sa nightcap ng 6:45 pm.

Walang rookie sa official lineup ni interim coach Topex Robinson, humalili kay Louie Alas.

Ipaparada ng Fuel Masters sina veterans Matthew Wright, JC Intal, Jason Perkins, Jay-R Reyes, Alex Mallari, RR Garcia, RJ Jazul.

Si Raymond Almazan pa rin ang pamoste ng Bolts, kasama sina Baser Amer, Chris Newsome, Cliff Hodge, Trevis Jackson, Allein Maliksi, Nard Pinto, Anjo Caram at John Quinto. Tatasahan ni Norman Black ang rookie son niyang Aaron Black. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.