Abante Tonite Interactive

Abueva todo giling habang nagpupunas

423

Atleta, check! ­Business man, check! Dancer,­ check!

Masipag na asawa? Check na check!

Kinumpleto ni suspended Philippine Basketball Association star Calvin Abueva ang lahat ng katangian ng isang ama matapos maispatang enjoy na enjoy sa paglilinis ng kanyang resto na ‘DampaNiTheBeast’.

Kita sa Instagram story ng misis ni Calvin na si Sam Abueva (@abueva_sam) na inspirado sa pagpupunas ng mesa ang 6-foot-3 forward ng Phoenix Pulse habang sumasayaw kasabay sa isang magandang beat.

Labis naman itong ikinatuwa ng kanyang kumander kaya hindi napigilan na i-upload ang video na may caption pa na “sipag naman ng asawa ko @abuevacalvinthebeast.” (Aivan Denzel Episcope)