Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva tutulong kay Pascual

0 200

Kahit nasa PBA bubble, gumawa ng paraan si PBA star Calvin Abueva para makumusta ang dating collegiate teammate San Sebastian Stags na si Ronald Pascual.

Sa Instagram story ni “The Beast’, binahagi niya nitong Lunes na kanya nang naka-video call si Pascual.

“I miss this guy,” sey ni Calvin sa kanyang caption habang pinapakita ang pag-uusap nila ni Ronald.

Dating naging magkakampi sina Abueva at Pascual sa Baste sa NCAA, kung saan tinawag silang ‘Pinatubo Trio’ kasama si Ian Sangalang na nasa Magnolia.

Nagkawatak ang tatlo nang tumungtong sa PBA, nanatili si Sangalang at Abueva sa liga habang nawala naman sa sirkulasyon si Pascual noong 2018.

Nito lang ay kinuwento ng kapatid niya na si Ronnel na may matinding pinagdadaanan si Ronald at hiniling na makauwi na ito sa Pampanga.

Sa ngayon ay nasa piling na ng kanyang pamilya si Pascual at nangako si Abueva na tutulungan niya ito paglabas niya ng bubble. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.