Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aburidong jobless tiklo sa pagwawala

0 206

Sa kulungan ang bagsak ng isang binata na lango sa alak at nambulahaw sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Alarm and Scandal at paglabag sa safety protocol tulad ng curfew at hindi pagsusuot ng face mask ang ikinaso kay John Macabantoc, 25, ng Brgy. Potrero. Ala-1:45 ng madaling-araw naistorbo ang himbing na pagkakatulog ng mga residente sa lugar nang magsisisigaw at naghamon pa ng away ang suspek.

Makaraang magmatigas sa mga awtoridad na humuli sa kanya, nadala rin ang binata sa barangay hall. Dito, nagpaliwanag ang suspek sa kanyang nagawa. Aniya, aburido siya dahil wala itong maayos na trabaho lalo pa’t ngayong may pandemya. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.