Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abusadong lending company kasuhan

0 267

Kumilos na ang Department of Justice (DOJ) para protektahan ang mga may utang laban sa harassment, pagbabanta at iba pang hindi makatarungang paraan ng paniningil ng ilang online lending company.

Ani Justice Secretary Menardo Guevarra, labag ito sa batas at maaaring kasuhan ang mga lending company.

Dagdag ng kalihim, dumami ang natatanggap na report ng kanilang Office of Cybercrime kaugnay sa hindi patas na paniningil at cyber harassment ng mga online lending company.

SM food to go Banner Ad

Kaya hinikayat niya ang mga biktima na maghain ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang kinauukulang ahensiya.

Maaari ring kasuhan ang mga abusadong lending company ng Cybercrime Prevention Act of 2012, grave threats o unjust vexation sa Security and Exchange Commission sa ilalim ng “Unfair Debt Collection Practices”.

Kabilang sa masasabing pag-abuso ng mga lending company ang pag-post online ng personal na impormasyon ng nangutang upang ipahiya ito, pagbabanta, pisikal na pananakit at paggamit ng mga bastos na salita sa mga pinapadalang text message. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.