Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abusadong senior citizen pinaaresto

0 63

Di umubra ang pagiging senior citizen ng isang lalaki nang ipaaresto ito ng binastos umano niyang dalawang vendor sa Bacoor City, Cavite.

PAGPAPASENSIYAHAN na lang sana dahil sa katandaan at pagiging isang Senior Citizen pero dahil sa pagiging abusado ay hindi na rin pinalampas ng dalawang push cart vendor at pina-aresto sa Bacoor City, Cavite.

Kasong Malicious Mischief, Grave Threat at Direct Assault ang ikinasa laban sa suspek na si Ernestor Abarquez, 75, dahil sa reklamo nina Roniel Bumagat, 27 at Vincent Macato, 20, kapwa push cart vendor at taga-Bacoor City, Cavite.

Sa reklamo ng dalawa kay PSMSgt Feliciano Garcia II ng Bacoor City Police Station, nagtitinda sila ng lansones gamit ang kanilang push cart sa may Garnet St., Brgy Zapote 2, ng naturang Lungsod dakong ala-1:00 kamakalawa ng hapon nang lumapit ang nakainom na suspek at dumampot ng tinda nila.

Matapos tumikim, naglagay ng lansones sa supot ang suspek pero nang tanungin ng mga biktima kung babayaran ay nagalit, nagbanta at itinaob pa ang kanilang paninda dahilan upang ireklamo ang nakatatanda na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.