Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abuso sa mga empleyado, Chinese national tinadtad ng kaso

0 134

PINAULANAN ng kaso ang isang Chinese national na may-ari ng Real Steel Corporation sa San Simon, Pampanga dahil sa umano’y pangmamaltrato sa kanyang mga empleyado.

Ayon kay San Simon police chief, Maj. Gregorio Santos, nakilala ang negosyanteng si Irwin Chua na nahaharap mga kasong attempted homicide, dalawang physical injuries, apat na grave threats, at limang illegal detention kasama ang iba pang mga opisyal ng kompanyang tunawan ng bakal.

Matatandaang Setyembre 10 ay mahigit 50 empleyado ang nailigtas ng mga awtoridad mula sa nasabing kompanya, matapos magreklamo na minamaltrato at ikinukulong sa loob ng kompanya.

Bukod sa sinasaktan at kinukulong, pinagti-tripan umano ang mga empleyado ng mga amo nito na pawang mga gun enthusiasts. Hindi rin daw maayos ang mga pasahod at benepisyo sa mga ito.

Ayon namay kay Geraldine Panlilio, Assistant Regional Director ng Department of Labor and Employment (DOLE) nahaharap din sa patung-patong na kaso ng paglabag sa labor law si Chua at ang kasamahan nito.

Sa kasalukuyan ay mayroong 42 Chinese na may Alien Employment Permit (AEP) ang nagtatrabaho sa Real Steel Corp.

Nagbabala naman ang DOLE at pulisya, na posibleng maipatapon palabas ng bansa ang mga naturang Chinese dahil sa kabi-kabilang paglabag sa batas sa Pilipinas.

Ayon naman kay PNP Spokesman, Col. Ysmael Yu, agad silang magpapadala ng mga tauhan sa San Simon municipal building, matapos makatanggap ng ulat na nakararanas nang pananakot ang mga nailigtas na empleyado na pansamantalang nanunuluyan sa basketball court habang iniintay ang bayad sa kanila ng kompanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.