Abante Tonite Interactive

AC pumalo ng 1M views sa Blackpink

0 407

Minsan pang pinatunayan ng Filipino-Canadian dancer, singer at actress na si AC Bonifacio ang husay niya sa pagpe-perform.

Nag-upload si AC ng dance cover niya ng BLACKPINK’s “Kill This Love” sa kanyang YouTube channel at Instagram account. Umabot na sa million views ang inupload niyang dance cover ng Kill This Love.

Hindi lang mga fan ang nagkagusto sa dance cover niyang ito, mismong choreographers ng Blackpink na sina Kiel Tutin at Kyle Hanagami . Nag-like at nag-comment sila sa ginawa niyang dance cover.

Sabi ni Kiel Tutin, “Uhmmmm AC you killed this.”

Sinegundahan naman ni Kyle Hanagami ng comment na, “Yes AC” kasunod ang mga hashtag na fire emoticon.

Maraming gumagawa ng sariling version ng dance cover ng Blackpink, pero bukod-tangi yata si AC ang inapruban at pinuri ng mismong choreographers ng grupo.

Pinanood din namin ang ginawang dance cover ni AC at talaga naman, ang galing!

Related Posts

Sabagay, hindi talaga pahuhuli ang talento ni AC pagdating sa pag-perform lalo na in-terms of dancing. Siya ang kauna-unahang grand champion na dance competition na Dance Kids noong 2016 along with Lucky Ancheta. Pero bago pa yun, tinawag na ang duo nila as Lucky Aces at naging guest na rin sa The Ellen de Generes Show, nag-perform sa concert ni Ariana Grande.

Siya rin ang naging 3rdplacer sa Kid’s edition ng Your Face Sounds Familiar season 1.

Bukod dito, nakasama rin siya sa ilang programa ng ABS-CBN kabilang ang Playhouse.

Sa totoo lang, napakaraming Pinoy na nanga-ngarap na maging K-pop idol o makapag-debut sa South Korea. Naisip namin na kung ipu-push siguro ni AC at kung gugustuhin niya na maging miyembro ng isang K-pop girl group, ‘di-malayong makuha siyang talaga.

Ang Blackpink ngayon ang nangungunang K-pop girl group hindi lang sa South Korea kung hindi maging sa ibang bansa.

Ang kanta nilang “DDU-Du-DDU-DU” ay lumikha na ng history bilang kauna-unahang k-pop group MV na umabot ng 800 million views.

Bukod pa sa nagta-top sa mga billboard chart ang recent single nilang “Kill This Love.” Ilang linggo na ito sa Billboard 200 at HOT 100.