Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Acabo bumida sa 18-under

0 48

Naghimaagsik si AJ Acabo kay Maria Judyann Padilla sa halos katulad na paraan sa duwelo kamakailan sa sa Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala National Age Group Tennis Circuit, 6-4, 4-6, 12-10, sa Liloy Tennis Club sa Zamboanga del Norte nitong weekend.

Pakawala si Acabo ng ilang clutch baseline hits sa decider upang makuha ang titulo sa girls’ 18-and-under division at makabawi sa kanyang pagkatalo noong nakalipas na linggo sa PPS-PEPP sa Labason.

Kinabog muna uli ni Padilla, winalis ang 16-U at 18-U categories sa Dipolog at Labason, si Acabo sa 16-U finals, 6-2, 6-0, pero bumawi si Acabo sa 18-U ng torneong kaloob ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro.

Nanaig naman si Thomas Gabuat sa boys’ side ng Group 2 tournament kasama ang Dunlop at mga suportado ng Unified Tennis Philippines and UTR (Universal Tennis Rating) matapos itaob sina Mark Barrios, 6-3, 6-3, at Cyril Paster, 6-1, 6-2, sa 18- at 16-U finals. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.