Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Accountant tinambangan sa Biñan

0 74

Patay ang isang dating accountant sa Biñan City, Laguna matapos tambangan ng apat na kalalakihan kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Virgilio Dimarana na agad nasawi matapos mapuruhan sa putok ng baril.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Makikita sa CCTV footage na tiniyak ng mga di nakilalang salarin na wala nang buhay ang biktima bago nila ito iwan at humarurot sakay ng kanilang motorsiklo.

Masusi ngayong nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang mga salarin at malaman kung ano ang nasa likod ng kanilang pamamaslang sa accountant. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.