Abante Tonite Interactive

Ace & Elbie 4-Cock Derby larga ngayon

190

Lampas sa 70 sultada ang nakalinya sa Pasay City Cockpit sa salpukan ng mga Metro Manila cocker sa Ace and Elbie 4-Cock Derby ngayong araw.

Imbitado ni PCC matchmaker Goody Ace Lamboloto at ng Elbie Pasay group ang mga kalahok mula sa Roligon Mega Cockpit, Elorde Stadium, Las Pinas Coliseum, San Juan Coliseum, Sta. Monica Cockpit at National Cockers Alliance (NCA).

Nitong nakalipas na Biyernes, nagkampeon sina Renato Shio/AA (Panda), Rolando Galvez ng Majayjay, Laguna (Neneng B) at Top Jun Matanghari entry sa Erica and Friends 4-Cock Derby na may 76 na sultada.

Aabot sa P300,000 ang papremyo sa derby sa araw na ito na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Kasunod sa PCC sa Pebrero 14 ang 2020 LGBA Cocker of the Year race na isang 7-cock derby.

Ayon nitong Huwebes kay Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) President Nick Crisostomo, tatanggap ang COTY winner ng P500,000 at silver cup mula sa Sagupaan Sagricultural Products, Inc.

Tawagan o iteks lang si Erica sa 0945 4917474 o si Ace sa 0939 4724206, 8843 1746 at 8816 6750 para sa iba pang mga kabatiran. (Enjel Manato)