Abante Tonite Interactive

Ace & Elbie 4-Cock Derby sa Enero 24

181

Magtutuos ang mga Metro Manila cocker at gamefowl breeder ang ikatlong pasabong ng Pasay City Cockpit ng 2020 na Ace and Elbie 4-Cock Derby na malamang may 40 entries sa Enero 24, Biyernes.

Nailista sa PCC ang 37 entries nitong nakalipas na Biyernes kung saan nadale ang titulo nina Renato Shio/AA (Panda), Rolando Galvez ng Majayjay, Laguna (Neneng B) at Top Jun Matanghari entry.

Host si PCC matchmaker Goody Ace Lamboloto at ang Elbie Pasay group dito sa pagsuporta ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Related Posts

Tinagubilin ni PCC pit manager Gerald Go ang submission ng entries sa Huwebes, Jan. 23 hanggang 7:00 p.m. lamang.

Unang leg ng 2020 LGBA Cocker of the Year race ang isang seven-cock dervy sa Pasay Cockpit din sa Feb. 14, 21 at 28, na ayon nitong Linggo kay kay Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) president Nick Crisostomo ay may entry fee na P16,500 at P1M ang cash prizes.

Makipag-ugnayan kina Erica at Ace sa 0945 4917474, 0939 4724206, 8843 1746 at 8816 6750 para sa iba pang mga detalye. (Enjel Manato)