Abante Tonite Interactive

Acosta iimbestigahan sa korupsyon ng Ombudsman

367

Kinumpirma ng Office of the Ombudsman na isinasailalim na sa preliminary investigation ang reklamong korupsiyon ni Atty. Wilfredo Garrido laban kay Public Attorney’s Office(PAO) Atty. Persida Rueda-Acosta.

“The corruption allegations against the high-ranking PAO officials will be judiciously scrutinized and the cases shall be resolved solely on the basis of the evidence presented by the parties,”ayon kay Ombudsman Samuel Martires .

Sinabi ni Martires na bubusisiin nila ang manifestation ng mga hindi pinangalanang mga abogado na nag- aakusa kay Acosta nang pagbili umano ng sobra sobrang office supplies na gagamitin sa paghahanda ng dengvaxia case para makapagbulsa ng pondo.

Inatasan ng Ombudsman si Garrido na magsumite ng kanilang position paper.
Kaugnay nito,nabatid na nakatakda naman maghain ng kanyang position paper si Acosta sa Agosto 20 (Martes),kasunod nito ay maghahain siya ng mosyon para isumite na agad sa resolusyon ang kaso dahil isa lamang umano itong harassment at walang legal na basehan.

Kaugnay nito, pinabulaanan naman ng mga abogado mula sa PAO na may kinalaman sila sa manifestation complaint laban kay Acosta.

Wala umano silang pinirmahan na manifestation of complaint laban kay Qcosta.

Naniniwala rin si Acosta na ang alegasyon ay may kinalaman sa pagsasampa ng kaso kaugnay sa pagkamatay ng mga bata may kinalaman ibinakubang dengvaxia.(Juliet de Loza-Cudia)