Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Actor Lito Gruet, dating adik, animal rights advocate ngayon!

0 121

Dear FURRever FURRiends,

Ang ating special feature ngayon ay si Lito Gruet, ang dating sikat na modelo at artista. Naging katambalan ko siya sa kaunaunahang commercial ng Maria Clara Sangria.

Oo, mga PETmalu, matagal ko nang kaibigan si Lito! Na-witness ko yung kanyang journey, from top model and actor to drug addict at ang kanyang recovery mula sa drugs.

Naging isang tanyag na motivational speaker si Lito at director pa ng isang drug rehab. Siya ay isang patunay na may pagasa pa rin ang isang taong nalulong sa droga.

Ito ang kwentuhan namin:

Q: Sobrang amazing ang buhay mo, Lito! Nagkaroon ka ba ng pet na naging kasama mo sa life journey mo?

Lito: “Actually marami akong alagang aso sa rehab! Every 30 minutes lumalabas ako sa garden at nilalaro ko sila. Stress-reliever ko sila. Hindi kasi madali magpatakbo ng rehab. Minsan mayroong 40 – 50 na addicts na ayaw magbago at may mga siga pa sa kanila. Nag-aaway sila, tumatakas, nag-a-attempt mag-suicide, nagkakasakit… sagot ko lahat yan, kaya very stressful.

“Si Katreena ang personal pet ko. Until namatay siya last year kasama ko siya sa rehab for 5 years tapos sa bahay namin for 8 years. Masakit ang pagkamatay niya dahil madami kaming pinagdaan. Higit sa lahat, I had to put her to sleep to save her from suffering from an incurable ailment.”

Q: May lugar ba ang pagkakroon ng isang alaga sa therapy ng isang recovering addict?

Lito: “Hindi lang sa adik pero sa ibang pang may sakit, nakakatulong ang isang trained na aso. Sa home for the aged, sa mga cancer patients, nagbibigay sila ng positive energy at stress release sa mga nakakasalamuha nila. Yung “happy hormones” na na-re-release sa utak ng tao pag nakalaro sila o kahit nakayakap sila ay di pwedeng ipagpalit sa anong klaseng gamot na medical.

“Kaya ngayon sa rehab na Safehaven Recovery Village sa Cebu kung saan Marketing Consultant ako, meron kaming 3 Siberian Huskies na nakikipag-interact sa mga ‘pasyente’. Yes, they help reduce the aggression of those addicts newly admitted and those in denial at ayaw magbago.

“Pero kung magkakaroon ka ng aso para sa purpose ng rehab, kelangan parang ‘pamilya’ ang turing nyo sa kanila. Need din nila ng complete vaccination, vet check-up, dogfood, grooming etc… Yes, parang isang ‘anak’.”

Ayan po ang part 1 ng aming kwentuhan. Abangan ang Part 2 next week!

PAWfectly yours,

Joyce

Leave A Reply

Your email address will not be published.