Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Actor-politician amoy warla sa dating karelasyon

0 161

Kabisado na pala ng mga impormanteng malapit sa isang male personality ang galawan ng kanyang dating karelasyon. Nakaprograma na pala ‘yun?

Alam nito kung kailan mag-iingay, alam nito kung kailan ipapahiya ang male personality, nakakalendaryo na pala sa babae kung kailan nito sisiraan ang ama ng kanyang mga anak.

Kuwento ng aming source, “Parang meron na siyang advisers, e! Kahit hindi naman siya artista at politician, parang alam na niyang tumiyempo! Para siyang de-susi, kapag oras na para siya mag-ingay, ‘yun na ‘yun!

“Tahimik ngayon ang girl, pero huwag na tayong magtaka kung bigla na naman siyang magkukuda kapag malapit na ang kampanyahan. Nakaprograma na ‘yun!” unang chika ng aming impormante.

Parang bagyo kuno ang takbo ng isip ng dating karelasyon ng kilalang male personality, walang nakakatiyempo sa direksiyon ng kanyang utak, mahirap itong ispilengin.

Patuloy ng aming source, “Nasanay na rin ‘yung male personality sa mga pinaggagagawa ng ex niya. kabisado na niya. Kaya tahimik lang siya, ni hindi nga niya sinasagot ang mga kuda ng babae!

“Bakit pa nga naman, e, paulit-ulit lang naman ang ibinabato sa kanya sa social media! Pare-pareho lang! Walang gatas at diaper ang mga anak nila.

“Naputulan sila ng kuryente at tubig, kinukunan pa nga niyang nakahubad ang mga anak nila nu’ng male personality, di ba?

“May bago pa ba siyang ikinukuda? Palagi lang namang ganu’n ang isyung ipino-post niya, palaging sustento, sustento, sustento sa mga anak nila!

“Pinagdadalhan naman ng sustento ang mga bagets, hindi naman pinababayaan ng tatay nila, pero bakit ganu’n? Kaya niyang palabasing wala, kahit meron, meron, meron!” natatawang reaksiyon ng aming impormante.

Malapit na uli itong kumuda, malapit nang maubos ang gatas at diaper ng mga bata, malapit na naman silang maputulan ng ilaw at tubig para lang makalampag nito ang male personality.

“Ay, malapit nang mangyari ‘yun! Malapit na kasi ang filing ng COC, malapit na ang kampanyahan, malapit na ang eleksiyon, kaya malapit na naman siyang magwarla!

“Nakakaawang actor-politician, gamit na gamit na, galgal na galgal na ang panggamit sa kanya!” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay.

Alden inismol ng KathNiel fan, best actor na

Maligayang bati sa Pambansang Bae na tinanghal na pinakamahusay na aktor sa katatapos lang na 36th Star Awards For Movies para sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye.”

Panalo si Alden Richards, pero ang katambal niyang si Kathryn Bernardo ay kinabog sa pagganap ni Sylvia Sanchez, kaya nag-iingay na naman ang mga tagahanga nila ni Daniel Padilla.

Tanggapin na lang dapat nila na napakalaki ng nagawa sa karera ni Kathryn ng pinagtambalan nilang pelikula ni Alden, bilyon ang halagang pinaruya nu’n sa mga sinehan, napakagandang record na ‘yun para sa kanilang idolo.

Huwag nilang menosin ang kapasidad ni Alden Richards na madalas nilang sabihing “extra” lang sa “Hello, Love, Goodbye,” ayan tuloy, ang minamaliit nilang extra lang ang nakakuha ng parangal bilang best actor.

Si Kathryn na mismo nag nagsabing napakabigat para sa kanya ang tanggapin ang “HLG.” Natatakot itong lampasan sa takilya ang huling pelikula nila ni Daniel, maraming agam-agam ang dalaga, pero sinuportahan daw naman ito ng kanyang boyfriend.

Kinabog nga ng pelikula nila ni Alden ang hawak nilang record ni Daniel, bilyon ang marka nito sa takilya, kaya nagwarla na naman ang mga tagasuporta nila ni DJ.

Ganu’n lang talaga, pana-panahon ang tagumpay ng mga artista, napakasuwerte ni Alden Richards dahil ilang taon na niyang hawak ang titulo bilang pinakasikat na aktor ng kanyang panahon.

At sikat na sikat na ay magaling pa siyang umarte at kumanta, isinilid na yata ng kapalaran sa kanyang buslo ang lahat ng talento, na kailangang tanggapin ng iba nakapikit man o nakadilat sila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.