Abante Tonite Interactive

Actress-politician hiwalay sa asawa

1,623

tonite-no-thanks-cristy-fermin

Nakapanghihinayang naman kung totoo ang umiikot na kuwentong hiwalay na ang isang actress-politician sa kanyang asawang pulitikong mula sa isang sikat na angkan ng mga nagsisilbi sa ating bayan.

Magaling lang daw magdala ang mag-asawa, hindi napapansin ng kanilang mga nasasakupan ang pagkakani-kanya nila ng landas, dahil palagi pa rin silang magkasama sa mga pampublikong lugar.

Kuwento ng aming source, “Ang kuwento, e, ‘yung lalaki ang naghanap ng iba. May third party sa hiwalayan nila. Nakakapagtaka naman, di ba? Napakaganda ng wife niya, parang manyika na nga sa ganda, tapos, papalitan pa?

“Kung ganu’n kaganda ang misis mo, e, gusto mo pa ba siyang palitan? Inaalagaan ang ganu’n kagandang babae, iniingatan, hindi sinasaktan,” simulang kuwento ng aming impormante.

Balitang sinusundo na ng kanyang palabang ina ang magandang actress-politician.

Kung ganu’n din lang naman daw ang kauuwian ng kanilang relasyon ay mas mabuti pang bumalik na lang siya sa Maynila at ipagpatuloy ang tinalikuran niyang career.

Patuloy ng aming source, “Ang pinakamasakit pa, ‘yung babaeng ipinalit sa kanya ng politician, e, kilala niya! Madalas nilang nakakasama ‘yung girl sa mga activities nila.

“Hindi nga ba naman napakasakit nu’n, ni hindi man lang dumayo sa ibang lugar ang mister niya, sa mismong lugar pa nila nagmilagro!

“Puwede na nating sabihin ngayon na hindi guarantee ang kagandahan. Hindi rin guarantee ang sobrang pagmamahal at pag-aasikasong ibinibigay ng wife sa husband niya.

“Sayang na relasyon. Ideal pa naman ‘yun dahil para sa mga kaibigan nila, pero meron na palang nagaganap na milagro! Ipinagpalit na pala ang magandang aktres, hindi pala naging faithful ang asawa niya sa relasyon nila!” pagtatapos ng aming source.

Ipapalit kay Regine kawawa

Iba-ibang pangalan ng mga artista ng GMA-7 ang binabanggit ngayon para maging tagapagmana ng trono ni Regine Velasquez na nasa ABS-CBN na ngayon.

May Julie Anne San Jose, may Kyline Alcantara, lahat ng mga kumakantang personalidad ng Siyete ay sinasabing hahalili sa iniwanang puwang ng Asia’s Songbird sa inalisan niyang network.

Huwag na lang sana. Una, nag-iisa lang si Regine Velasquez, anumang pagkukumpara ang gawin ay magiging kawawa lang ang mga ipinapalit sa kanya sa istasyon.

Ikalawa ay nakakaawa rin naman sina Julie Ann at Kyline dahil may kani-kanyang talento sila at kapasidad na hindi kailangang ikumpara kay Regine.

May sariling atake si Regine, ganu’n din ang mga contracts stars ng GMA-7, kaya hindi dapat sabihing sina Julie Ann at Kyline na ang papalit sa kanya.

Napakalayo na ng nararating ni Regine, ang mga sinasabing ookupa na sa iniwa­nan niyang puwesto ay may gusto pa lang patunayan, napakalayo ng pagkukum­para sa kanila.

“Sana, hindi na lang umalis si Regine sa GMA-7, reyna na siya du’n, e. Sa pag­lipat niya sa ABS-CBN, ang dami-dami niyang makakalaban, marami siyang kaagawan sa trono,” sabi ng isa naming kaibigan.

May punto rin naman ang ganu’ng obser­basyon, pero paano kung hindi na pala maligaya si Regine sa pinangga­lingan niyang network, sumugal siya dahil baka nasa ABS-CBN ang hinahanap niya.

Marami namang reynang walang upuan. May mga reyna ring walang trono.