Abante Tonite Interactive

Actress/TV host, dinedma ng dating asawa

By
7

HINDI maganda ang paghihiwalay ng actress/TV host na ito at ng kanyang non-showbiz husband.

Pero kung ang actress/TV host ang masusunod, gusto pa rin niya na maging magkaibigan sila ng estranged husband para sa kapakanan ng kanilang anak.

Nang makatsikahan namin si actress/TV host, natanong namin siya tungkol sa kanyang estranged husband.

Sinabi niyang nag-text pa siya rito kamakailan para kahit paano ay maging friends na sila.

“Nag-reply ba sa ‘yo?” pang-uusisa namin kay actress/TV host, pero hindi pa raw.

“Hopefully, he will reply. I don’t want them naman na we’re fighting, para na lang sa anak namin,” sey ni actress/TV host.

Sa pananalita ni actress/TV host, parang hindi na siya umaasang maaayos pa ang relasyon nila ng kanyang estranged husband dahil may iba na ito.

Pero si actress/TV host, nakatutok na lang muna sa anak at hindi nag-iisip tungkol sa paghahanap ng bagong mamahalin.

Bukod sa anak, gusto rin ni actress/TV host na asikasuhin din ang kanyang showbiz career para magkaroon siya ng regular na pagkakakitaan.

Mahirap daw talagang maging single mom.