Abante Tonite Interactive

Ad-HOC, ESNA o EWSF

323

LITO OREDO

‘Di pa man nabubuo pinag-aagawan na agad ang puwesto sa mamamahalang national sports association para sa electronic sports o eSports sa bansa.

Ilang grupo ang nagsasabi na sila ang dapat mamahala sa bago pero popular na millenial sport sapul nang isama itong medal sports sa 30th Southeast Asian Games 2019 na nakatakda sa Luzon sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Nakikiagaw rin ang Esports World Federation (ESWF) na nagpahayag na sila ang dapat na mangasiwa sa “global affairs” ng eSports sa bansa, kabilang na ang pagpapatakbo sa SEA Games 2019.

Una munang hinayag ng Philippine Southeast Games Organizing Committee (PHISGOC) at Razer na sila ang dapat magpatakbo sa anim na opisyal na laro sa SEAG sa pamamagitan ng isang ad hoc committee na sila ang bubuo.

Ang anim na game title ay ang Dota 2, Starcraft 2, Tekken 7, Mobile Legends: Bang Bang, Arena of Valor at NBA2K.

Makakatulong ng PHISGOC at Razer sa pagsasagawa ng dalawang PC titles na Dota 2 at StarCraft II, dalawa sa gaming console titles na Tekken 7 at NBA2K.

Gusto namang hawakan ang dalawang mobile titles na Mobile Legends: Bang Bang at Arena of Valor nang umeeksena ring Esports National Association of the Philippines (ESNAP).

Wala pang kinikilalang internasyonal na pederasyon sa eSports sa kasalukuyan ang International Olympic Committee.

Kaya naman sino kaya sa kanila ang dapat na mamahala sa eSports sa bansa?