Abante Tonite Interactive

Adam Levine-Behati Prinsloo binili ang mansyon nina Ben Affleck, Jennifer Garner

By
172

Umabot sa $32 million ang halaga ng dating mansion ng naghiwalay na sina Ben Affleck at Jennifer Garner sa Pacific Palisades pad sa California.
Nabili ito ng Maroon 5 singer na si Adam Levine at asawa niyang si Behati Prinsloo. May laki ito na 3.1 acre na binubuo ng tatlong gusali.
May swimming pool, basketball court, gym, screening­ room at art studio. Mayroon din itong two-bedroom, three- bath subterranean guesthouse. Talaga namang nag-i-enjoy mag-stay ang kanilang pamil­ya at mga kaibigan sa tuwing napapasyal doon.
Ang kanilang main residence ay mayroong five bedroom at walong bathroom na hindi nakapagtataka dahil mayroon itong sukat na 8,800-square feet.
Kung matatandaan, nauna nang nabili ng mag-asawa ang bahay noong 2015 bago sila opisyal na nag-divorce noong Nobyembre.
Napag-alamang ang original asking price nito ay $45 million kaya malaki rin ang nakuha nilang discount dahil natawaran nila ito sa $32 million.
Nabili nina Ben at Jen ang nasabing mansyon taong 2009. Ipina-renovate nila ang bahay para ma-meet ang kanilang standard. Pero marami ang hindi nakakaalam na hindi lamang sina Ben at Jen ang mga sikat na personalidad na tumira sa ranch-style mansion.
Bago pa sila ay nauna na ang sikat na  si Da Vinci Code at mga producer na sina Brian Grazer at Gregory Peck.