Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Adamos angat sa mga bagito

0 103

Isa si Ben Adamos sa big men na nakakaangat sa parating na Virtual 36th PBA Rookie Draft 2021 sa March 14.

Nagdeklara ang dating NCAA champion sa San Beda na susubok na siya sa pros.

Mapapakinabangan ang bulto ni Adamos, sa frame na 6-foot-6 mainam na stretch big.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pagkatapos ng dalawang championship bilang Red Lion, lumipat si Adamos sa karibal sa NCAA na Perpetual Help at nag-average ng 11.6 points, 8.8 rebounds noong Season 95.

Nakapaglaro rin siya para sa Bacolod Master Sardines sa MPBL.

Handa na siyang subukan sa pros ang mainam na laro.

“Alam ko ‘yung kakayahan ko, at sana mapansin nila ‘yun,” ani Adamos sa PBA website. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.